Sta. Cecilia Parish, Maly, San Mateo, Rizal
Kung sa pandinig ay aakalain na wala sa wasto ang pangalan ng lugar na sa ngayon ay kinatatayuan ng ng Simbahan ng Parokya ng Santa Cecilia. Ang lugar na kung tawagin ngayon ay Maly (hango sa tagalog na salitang "mali") ay sa kadahilanang sa barangay na ito ay may ilog, na sa pananaw ng karamihan, ay dumadaloy sa direksyon na maituturing na "mali".
Ang nasabing barangay ay dating nabibilang sa parokya ng Nuestra Senora de Aranzazu ng San Mateo, Rizal. At noong taong 1984 ay napagdesisyunan ng isang grupo mula sa nasabing barangay na magtayo ng isang kapilya. At dahil nga sa sipag at pamumuno ng iba’t ibang organisasyong nabibilang sa proyekto ay nakapagkamit sila ng lupain na kung saan ay itatayo ang pinaplanong kapilya. Ang lupain na ito ay nagmula pa sa kabutihang loob ni Sis. Cecilia "Nena" Amado na taga-Guitnangbayan I, San Mateo.
Santa Cecilia ang itinalagang patron ng simbahan na hango sa pangalang ng nagbigay ng lupain at bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa kanyang kabutihan. Ang lupain ay umaabot sa 280 metro kwadrado na kung saan ay ginagamit ito upang magdaos ng Banal na Misa para sa kapilya.
Ang kaunaunahang banal na misa na ipinagdiwang sa barangay Maly ay naganap noong ika 11 ng Agosto 1985 na pinamunuan ni Rev. Fr. Moises Maramba. Siya din ang nagmungkahi ng palakihan ang nasaskupan ng kapilya. At sa pamamagitan ni Sis. Nena, ay naisakatuparan ang mungkahing iyon na siyang nagbigay ng 6000 metro kwadrado ng lupain para sa simbahan.
Ang banal na Santa Cecilia pa rin ang kanilang piniling Santong patrona para sa kanilang simbahan, at iyon ay dahil sa ito ang napagdesiyunan ng mga taong namumuno sa simbahan at ng mga mamamayan ng Maly.
Noong panahon na itinatayo ang kapilya ni Santa Cecilia ay isang mag-asawa ang nangangasiwa nito sa ngalan nina Tito at Rosie delos Reyes. At makalipas nga ang isang taon ay ang bagong kapilya ng Santa Cecilia ay nabuo at binasbasan ni Bishop Protacio Gungon, D.D. noong ika 22 ng Nobyembre 1986 na siya rin naming kapistahan ni Santa Cecilia.
Makalipas ang ilang taon ay napagdesisyunan ng mga namumuno sa "Board of Consultators" ng Diyoceses ng Antipolo na magtatag ng isa pang parokya sa San Mateo at and Kura Paroko ng Nuestra Senora noong panahong iyon, Rev. Fr. Arnel Lagarejos, kasama ng mga miyembro ng "Board of Consultators" ay sinoportahan ang mungkahing ito.
Ang Santa Cecilia ay itinalaga na isang "quasi Parish" na binubuo ng tatlong kapilya mula sa komunidad ng Montalban at mga kapilya mula sa Nuestra Senora de Aranzazu. At noon ika 16 ng Nobyembre 1992 ay itinalaga si Rev. Fr. Efren Villanueva bilang tagapamahala at upang ihanda ang "quasi Parish" na ito upang maging isnag ganap na Parokya.
Sinimulang ang pagbubuo ng opisina ng Parokya noong ika 27 ng Enero 1992 at nang ito ay makumpleto at matapos ay agad na isinunod ang pagpapalawak ng simbahan ng Parokya ng Santa Cecicilia na siya naming sinimulang noong ika 1 ng hunyo 1992. Matapos ang ilang mga proyekto upang makalikom ng sapat na pondo para mabuo ang bagong simbahan ay nakumpleto ito at noong Nobyembre 21, 1993 ay pinasinayaan at binasbasan ni Bishop Protacio Gungon, Obispo ng Antipolo, at Rev. Fr. Arnel Lagarejos, Chancellor ng Diyoceses ng Antipolo ang bagong tatag na Simbahan ng Parokya ng Santa Cecilia. At si Rev. Fr. Efren Villanueva bilang Kura Paroko ng Parokya ng Santa Cecilia. noong araw ding iyon at itinalaga
Ang Parokya Santa Cecilia ay binubuo ng "Parish Pastoral Council" na may aktibong mga miyembro at anim na "Mini-Pastoral Council" (kapilya ng Senor de Burgos, kapilya ng Sacred Heart, kapilya ng St. Francis of Asisis, at kapilya ng Nuestra Senora Dela Paz.
Magmula noon hanggang sa ngayon ay marami nang mga proyekto at gawain ang naisatupad ng Simbahan ng Parokya ng Santa Cecilia ngunit ang pinakamalaking nagging proyekto nito ay ang pagtatatag ng isang paaralan para sa mga kabataan sa nasasakupan nito. Ang naging Direktor ng paaralan na siya rin namang Kura Paroko ay si Rev. Fr. Lito Rocero.
Maliban sa paaralan ay nakapagtatag din ito ng isang kooperatiba para sa mga Parokyano nito.
Ito ay may iba’t-ibang gawain at importansya para sa matiwasay at maayos na pagsisilbi ng Parokya sa mga nasasakupan nito.
PARISH PASTORAL COUNCIL
MINISTRIES
ORGANIZATIONS
CHAPEL COORDINATORS
MOVEMENTS
Ang lahat ng organisasyong ito ay pingangasiwaan ng ating Kura Paroko Rev. Father Roy Crucero.
















